A Travellerspoint blog

Maniniwala ka ba

Pauwi pa lang ako kaninang umaga galing sa work ng salubungin ako ng isang nakapangyayamot na pangyayari. Habang nasa jeep ako kanina sa may bandang Talaba sa Bacoor, may 2 lalake na sumakay. Syempre inaantok ako so sumulyap lang ako.

Di pa man nakakalayo ang jeep eh bigla na lang nagsuntukan ung lalake na nasa tabi ko at ung isa sa 2 lalake na sumakay!!!!Anu ito!!!

Sa sobrang taranta ng ibang nakasakay nagsigawan sila (anu na naman ito Horror film)
So nagulantang ako. istorbo diba!!!!

Maya pa huminto na ang driver at kinompronta ang dalawang nagaway.

" Mga P........ ninyo!!!!!!!! dito pa kayo sa jeep ko nanggugulo. Baba kayo jan. " May hawak pala siyang tubo.

Bumaba ung dalawang unang nanggulo na tila makikipang buno sa driver.
Nagkakasigawan na kaya naman mas pinili naming mga pasahero na bumaba muna.
Maya pa, ay pati ung driver ay nakikipagsuntukan at hampasan na sa dalawang lalake. Pinagtutulungan siya kaya inawat ng mga tricycle driver na naroon.
Buti na lang may mga pulis na nagpapatrol sa lugar na un kaya agad namang may rumespunde.

Sa haba haba na mga nangyari at sa sobrang antok ko, wala akong ibang gusto kundi ang makauwi.

Mga 10:30 na ako nakauwi nun at sobrang sakit na ng ulo ko. Pag nakita ko ung mama na nanggulo sa jeep naku matamaan talaga sakin.

Posted by jbert 06:04 Archived in Philippines Tagged events

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of contents

Comments

shit happens..bad trip sobra :)
kala ko mkikigulo ka :)

31.08.2008 by sylvrp

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint