A Travellerspoint blog

TEam Gutom - fOOD Adventure

Sa sobrang busy ng team namin sa damin ng trabaho (Aminin mo nagtatrabaho kami) isa lang ang nakita namin para irelax ang mga sarili namin.Walang iba kundi ang bongga bongga mga pagkain.Minsan wala namang dahilan magkakayayaan kami na bumili ng kung anu anong malalamon. noong nakaraang araw, nagkasundo kami na magbaon para sa lunch namin. Syempre si Xerxes nag volunteer na magluluto daw siya ng kanyang specialty and Adobo de Leche (Aminin mo may cook book siya habang ginagawa niya iyan, tamaan ka eh). Si Ms Joan naman nagpabili ng Blue Berry Cheese Cake (May birthday????????) sa isang kilalang Cake Shop ang Pulang Laso.

4.jpg
Pang mayaman aminin mo

Dahil sa sabay sabay ang lunch ng karamihan sa team namin (Alaine, Joarmie and ate Ria - next time irequest natin na sabay na kayo samin ng lunch ok.pakiamin)kaya kung anu ano na lang ang mga pinagkakain namin.

Nitong nakaraan lang, nagkayayaan kami na kumain sa AMBer (isa sa mga masasarap na kainan sa Makati na matatagpuan sa Panulukan ng kalye Filmore at kalye Emelita....tagalog?) Umorder kami ng isang bilaong Pancit Malabon na good for 15 person pero 10 lang kami (Napaghahalataang gutom na gutom).
Nagorder din ng Barbecue at Pichi pichi.

1.jpg

Talaga namang napakasarap ng mga inorder namin. Hindi na nga kami mga kakakilala kasi LUMALAMON ang bawat isa sa amin. Si Xerxes nagustuhan ang biniling pixhi pichi, at sinabi niyang bibili daw siya at iuuwi sa bahay.

3.jpg

NakAlimutan ko nga palang ishare and kakaibang suot at porma ni REINA ROSE GRASPARIL EFSON NA KAPAPASA LAMANG SA NAGANAP NG PAGSUSULIT PARA SA MGA GURO SA PANGSEKONDARYANG PAARALAN. Gurl aminin mo kulang na lang mga Paso para ka nang Bermuda Grass. At si Xerxes infairness wag ka didikit sa mga crew ng Amber baka ipadeliver syo ang isang bilao ng Pancit.

At bakit hindi pag-agawan ang taba ng barbecue.!!!!!!!!! Sana pala puro taba na lang siya. (ok na reina??????)

2.jpg

Myles anu na anung petsa na wala ka parin??????????????????????

ilang saglit lang ay naubos agad namin ang mga pagkain na kung titingnan mo ay parand dinaanan ng Hurricane. Aminin mo walang makahinga at makatayo dahil sa kabusugan. (guys kasi pag lalamon tayo ung tama lang hindi ung parang bawal na kumain the next day maliwanag ba joboy)

Nang magkayayaan kami umuwi tinake out namin ung natirang Pancit Malabon, sakin nila binigay kasi ULTIMATE GOAL DAW NILA AY ANG PATABAIN AKO!!!!!!!!!!!

Sumakay na ng TAXI si ms joan pauwi. (aminin mo ms joan bagong sahod kaya dapat magtaxi)Habang naglalakad na kami papuntang kanto, May manong na nagsasun bathing sa kalye. Aminin mo manong nagtagumpay ka!!!!!!!!!!

Sa awa ni xerxes sa kanya, sabi niya na ibigay na lang sa matanda ung binalot namin. Siya na ang nag abot kasi natatakot ako lumapit.

Xerxes sabi ni Manong bakit daw walang pichi pichi. Bigay mo na rin iyan. Aba ang lolo xerxes agad tumawid sa kalye. Aminin mo ayaw ibigay ung pichi pichi niya.

Ang sarap pala kumain....So anung klaseng Food Trip naman ang aming kakaharapin sa mga susunod na araw

ABANGAN

Posted by jbert 05:36 Archived in Philippines Tagged food

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint