A Travellerspoint blog

Si Boy Pana at ang Pagawaan ng Siopao 1

Sa araw-araw na pagharap namin sa mga pagsubok dito sa mundo ng Pagawaan ng Siopao, hindi maiaalis sa amin ang pagka iyamot at pagkainis sa mga nakasisirang pangyayari na talaga namang nagpapatindi ng aming galit. Dati napakasaya ng bawat isa sa amin sa loob ng Pagawaan dahil tunay nga naming nararanasan ang tinatawag nating FREEDOM!!!

Masaya kami kahit napakadaming order ng SIOPAO. Konting kalabitan at kwentuhan lang, OKS na kami!!! Minsan ay may kainan pa nga na talaga namang nabibigay sa amin ng galak sa bawat araw na kami ay nandito sa Pagawaan.

siopao.jpg

Subalit, datapwat, ngunit…..

Biglang dumating ang araw kung kailan, parang bula na nawala ang mga kasiyahang ito at napalitan ng yamot, inis at pagkasawa sa mga gawain dito sa loob ng pagawaan. Ito ay ang araw na dumating si BOY PANA.

Si Boy Pana noong una, akala namin wala lang. As in wala lang. Feeling ko naman, hanggang ngayon, wala pa rin. (ahahaha)

epa1104l.jpg

Hindi kami nagpaapekto sa kanyang pagdating dahil alam naming na magiging masaya pa rin kami.

Nang biglang…..

Isang araw, bigla na lang pagpasok namin sa pagawaan, ikinagulat namin ang isang napakalaking pagbabago.

Nagiging laruan ng aming mga inosenteng mata ang dumadaming populasyon ni Boy Pana. Kahit saan man naming ilapat ang aming mga mata, ay nakikita namin ang mga kapatid na ito ni Boy Pana.

Tunay ngang nakakasawa at nakakaumay kung iyong titingnan, subalit ang aming mga inosenteng kaisipan ay walang ibang iniisip kundi ang kasiyahan sa loob ng Pagawaan.

dimsum3.jpg

Isang araw ay di namin inaasahan ang biglang pagdami ng order at demand sa aming mga ginagawang Siopao. Ang ilan nga sa amin ay inilipat na sa bagong produkto, ang paggawa ng Tikoy at Siomai. Bagamat ang ilan ay nailipat na nga sa mga bagong gawaing ito, ay hindi pa rin naiwasan na sila ay hilahin upang tumulong sa paggawa ng Siopao. Napakadami kasi namang order sa Siopao.

tikoy-cake.jpg

Wala naman kaso samin kung tutulong kami sa paggawa ng Siopao, una sa lahat, ito ang nagturo at nagbigay ng idea sa amin kung pano gumawa ng tikoy at ng siomai.

Pinipilit naming maging masaya sa kabila ng hindi kapanipaniwalang mga pangyayaring ito na nagaganap sa loob ng pagawaan.

Subalit ang mga sumunod na pangyayari ay nagging dahilan upang ang ibang manggagawa sa loob ng pagawaan ay tuluyan ng maiinis….

Abangan……

Posted by jbert 16:41

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

bat naman siopao, tikoy at siomai napili?
bat hindi shawarma at giniling na baka?
niahah.. gnyan naman tlga. nyarf!

mas masarap tlga kumain n lang kesa gumawa ng pagkain.. tapos may mga boy pana na umaaligid.. mag panang sagigilid! hahah..

by boinkee

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint