A Travellerspoint blog

Star City Adventure

Nagkayayaan kami ng mga ka team mate ko na magpunta sa Star City noong Oct 15,2008, Miyerkules. Syempre as always ako na naman ang nauna sa venue (excited!!!!!!!!). Katext ko nun si reina at tinatanong ko kung sasabay ba siya sakin pagpunta ng star city at magkikita na lang kami sa buendia. Ang lola mo nag text bigla, kasama daw niya Jowawers niya. Kaya naman nauna na ko.

Siguro mga isang oras ko din silang hinintay. Ang ganda kaya ng usapan namin. Dapat before 6pmkumpleto na kami ayun sa awa ng Diyos 8pm na wala pa sila. Pagdating ko dun, tinext ko na lang tito ko, at kumain kami sa Chowking. (kagutom kaya maghintay).

Panay naman ang text sakin ni Joarmie kung makakahabol pa siya. Sabi ko namn Go lang hintayin ka namin.

Sa wakas may dumating narin. Nauna dumating sina Joarmie at Dan. Bigla ko naisip, kasama ni Joarmie si Dan, kasama ni Reina si Jowawers, kasama ni Alaine si Piggy!!!!!!!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaa

So panu na lang iyan. Im so alone!!!!!!!!!!!!!
Gagawa na lang ako ng Imaginary Frend........
(Bakit hindi ko ininvite si frendly ghost diba)

Sabay nagtext sakin si Reina. Ang sabi pa nga niya "Gurl wag mo lalaitin ang Bf ko ha"
Ulul!!!!!!!!
Sabi ko naman, bakit ako manlalait?saka na lang pag tayo tayo na lang!!!!!!!!!wahahahahaha

After a while dumating na si Reina at si Jowawers!!!!
taray nakataxi bagong sahod kaya!!!!!!!!!!!
Magkano ang metro??????????????Ok na ba ok na?
Hindi rin nagtagal at dumating narin sina Alaine, Piggy niya at wow kasama si Jo Antonette Inocencio!!!!!!!!!!!!

Tinext ko na agad ang tito ko, at pumasok na kami sa loob.

OK guys ung bayad niyo................akin na!!!!!!!!!!

Well before anything else, kumain muna kami. Umorder sila ng chicken nila. at ang inorder ko naman Fruit salad daw ng Tropical Hut.
taray ng fruit salad nila, pineapple lang ang sangkap.

Pagkatapos kumain, unang pinuntahan ay ang PETER PAN

1_825642205l.jpg

Oh diba parang wala lang. Nag papicture pa nga kami sa loob ng Peter Pan eh

at ito pa. Parang Flag Ceremony.
Ok guys Find your height. Jo sa likod ka,ok
infairness ha, si Marina at Dyesebel nageenjoy sa likod..........

1_150861488l.jpg

After ng Peter pan, bakit hindi natin takutin ang mga sarili natin sa GABI NG LAGIM

infairness sumisigaw sila di pa kami nakakapasok. Reina anu ito bakit nagpapanic kayo? Nagkakahilahan na nga bra sa takot? Awoooooooooooooooooooooo

After that Tara guys mag viking tayo.

1_451920166l.jpg

Sandali lang ang viking adventure namin. Paano ang eksena si lola sumakay, tinatanong ng mga crew kung kaya niya. OO daw. Ang lola wala pang 5 andar pinapahinto na. Ulul di ba. Pgababa namin nagsigawan ung mga naghihintay for the next batch.

At bakit? ok na ha? ok na? Matamaan kayo jaaaannnn!!!!!!!!!

Anu ito?Kaya hindi sila sumakay kasi natatakot sila. ending Photo gallore

1_863134506l.jpg

Alaine, Jo matamaan kayo........ Wag sayangin ang Ride All you can Tag

Ang saya mag bump car diba. Alaine at piggy di pa kayo nag rirides. Tamaan kayo jan eh!!!!!!!!!!!!!

Sumakay Kami sunod sa nakakatakot na ride na hindi ko alam ang pangalan. Kaya itago natin ito sa pangalang,

Chorifying Ride. para siyang Roller Coaster kaya lang nakabitin ung paa mo.
Habang paakyat pa lang sigawan na kami pero nung bumulusok na wala na kami kaingay ingay sa sobrang katakot na rides. habang binabaliktad kami at nakikita namin ang mga PAA namin.
AS usual ung mga Jowaers magkakatabi. ako na naman mag -isa huhuhuhuhuhuhuhu

Si Jo puro basetball!!!!!!!!!!!
Matamaan ka eh. Ayaw mong sumakay sa rides Anu ito.
Kahit sa Ferris Wheel ayaw sumakay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Huli na namin sinakyan ung Flying Carpet na siya namang nag pahilo kay Reina. last ride na kasi kaya tinodo na ng ride operator. 20 rounds ito. habang nageenjoy kami kakatawa kay reina habnag umikiot and ride.

Bakit ganun diba Dapat hindi siya Flying Carpet. Dapat daw Turning Carpet (AS per ate ria and xerz- matamaan kayo)

Nag eenjoy ung jowawers ni reina pero siya minumura na ung jowawers niya.

Matagal pa ito reina 50 turns ito.

Hilong hilo ang lola pagbaba. girl hindi ka na tuwid maglakad. pasara na kasi ang Star City nun kaya naman umalis na rin kami. Infairness wala kmi nabili sa mga tiangge. Dan anu ito bakit may purple ka na bear?

Nagtaxi kaya kami pauwi infairness Sahod nun.

haizzzt maulit sana un with the whole team

matamaan kayo!!!!!!!!!!!!!!!!!

yez swimming naman guys!!!!!!!!!

Posted by jbert 13:15 Comments (0)

Ang matamaan!!!!!!!!!!!! Sapul!!!!!!!!!!!!!!!!!

zombie-rain.gif

Pano kung sa paglalakad mo may tumulak sa'yo?
O kaya naman bigla kang ikwento sa iba!
Panu kung may nag backfight sa'yo?
anu gagawin mo?

ang sagot !!!!!!!!!!!!
Wala!!!!!!!

Eh anu ngayon kung alam mong wala kang ginagawang mali!!!!!!!!!!!!

Trabaho lang walang personalan!!!!!!

Kaya nga natanggap ka sa trabaho kasi the company believes that you are worthed for the position. That you are professional.
Pero anu ito??????????

Patalikod kung lumaban. Bakit hindi mo sabihin ng harapan. Para masaya. Wala namang problema.
Di ka ba nahihiya sa ginagawa mo niyan. You are backstubbing othe rpeople. Masama iyan. Di ka ba nakaattend nung religion subject niyo nung elementary at highschool. Tinuturo na masama manira ng ibang tao.

bago ka mamuna, Bakit kaya ayaw mong tingnan ung mga gingagawa mo.

Sa mundo, Ang Pikon laging talo.
Ang hindi marunong tumanggap ng pagkakamali, Napapahiya.

eto lang masasabi ko sayo.

BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN MAMATAY KA SA INGGIT

Posted by jbert 06:44 Comments (1)

Maniniwala ka ba

Pauwi pa lang ako kaninang umaga galing sa work ng salubungin ako ng isang nakapangyayamot na pangyayari. Habang nasa jeep ako kanina sa may bandang Talaba sa Bacoor, may 2 lalake na sumakay. Syempre inaantok ako so sumulyap lang ako.

Di pa man nakakalayo ang jeep eh bigla na lang nagsuntukan ung lalake na nasa tabi ko at ung isa sa 2 lalake na sumakay!!!!Anu ito!!!

Sa sobrang taranta ng ibang nakasakay nagsigawan sila (anu na naman ito Horror film)
So nagulantang ako. istorbo diba!!!!

Maya pa huminto na ang driver at kinompronta ang dalawang nagaway.

" Mga P........ ninyo!!!!!!!! dito pa kayo sa jeep ko nanggugulo. Baba kayo jan. " May hawak pala siyang tubo.

Bumaba ung dalawang unang nanggulo na tila makikipang buno sa driver.
Nagkakasigawan na kaya naman mas pinili naming mga pasahero na bumaba muna.
Maya pa, ay pati ung driver ay nakikipagsuntukan at hampasan na sa dalawang lalake. Pinagtutulungan siya kaya inawat ng mga tricycle driver na naroon.
Buti na lang may mga pulis na nagpapatrol sa lugar na un kaya agad namang may rumespunde.

Sa haba haba na mga nangyari at sa sobrang antok ko, wala akong ibang gusto kundi ang makauwi.

Mga 10:30 na ako nakauwi nun at sobrang sakit na ng ulo ko. Pag nakita ko ung mama na nanggulo sa jeep naku matamaan talaga sakin.

Posted by jbert 06:04 Archived in Philippines Tagged events Comments (1)

Engot ka ba!!!!!!!!

Natatawa ako sa grupo ng mga lalake ng nakasakay ko sa jeep ng papasok ako sa trabaho. Nauna ako sumakay sa kanila sa Molino Bacoor. Siguro after few meters lang eh saka sila sumakay. Di ko alam kung san sila galing pero napansin ko agad ung mga sapatos nila. Di ko alam kung bakit punong puno ng putik ung mga gilid ng sapatos nila. Di naman umulan. Sa katunayan nga tuyong tuyo ang kalupaan.

So anu naman pakealam ko diba.
Natulog na lang ako kunwari pero dahil sa iilan lang namin kami nakasakay sobrang ingay talaga nila. Kung mag-usap anu ito? Hearing impaired?Kayo may-ari ng jeep?

Syempre di ko sinabi yun sa kanila noh! BAKA mategi ako ng di oras.

Pero di talaga ako makawala sa kanilang mga sapatos na maputik.

Narinig ko na kinakantiyawan nung isnag lalake ung kasama nila at sinabing

"yan tuloy kasalanan mo ito eh. sira tuloy porma ko!!!!"

Anu ito kuya makinis ka? Artista?
Sabay sabing

"Kung di mo nakalimutan ung pera eh di sana di natin nilakad mula SM Southmall hanggang Molino Bacoor. Putik tuloy ng sapatos ko."

sagot ng lalake

"Ngek eh kayo nga tong nagyaya, pde naman tayo bumalik sa inyo para humingi ng pera!!!!"

"Eh di nadoble pagod natin!!!!"

Again kuya ang kinis mo noh! Tamaan ka kaya sakin!!!!!!

Moral Lesson

Wag Maglalakad na malayo, lalo na kung

may Pamasahe

Posted by jbert 06:09 Tagged events Comments (0)

Minsan gusto ko tuloy.........

Minsan may mga bagay sa buhay natin na gaano man natin ingatan eh nawawala pa rin. Nakakalungkot nga eh, lalo na kung ipinangako mo sa sarili mo na hindi mo ito hahayaan na mawala sa buhay mo. I came from a long relationship. We've been together for 4 years. Akala ko kami na talagang ex- girlfriend ko. Our parents are both in good terms. Lumaki kami na magkasama, until we finally both decided to be together.

We had a lot of good memories na talagang hindi ko makakalimutan. Sabi nga nga mga kaibigan namin, we have the perfect relationship. Napakasaya ko dahil pakiramdam ko siya na ung babaeng pakakasalan ko. Sabay kami nag-aral at classmates kami mula elementary. When both of our families decided to transfer sa Las PiƱas kami pa rin ung lagi magkasama. Mula kinder ata magkasama na kami. Matalik kasi magkaibigan ang mga magulang namin at magkasama pa kami sa iisang Religious Congregation.

Naging mag-on kami bago kami mag college. Marami akong masasayang memories with her, lalo na nung nagcelebrate kami nung 1st year anniversary namin. Kinasabwat ko pa mga kaibigan namin pati na mga magulang at kapatid niya. Sinama ko siya nun sa province ng daddy niya sa Pangasinan. Nag bonfire pa kami kasama mga kapatid niya malapit sa beach. Yun ung time na binigay ko sa kanya ung first gift ko. Actually di naman masyado mahal un. It's a pair of Silver Rings na may name namin pareho. I saw how happy she became the moment na sinuot ko ung ring sa daliri niya.

Malapit ako sa parents niya and malaki ang respeto ko sa kanila, lalo na sa mga kapatid niya.

Gaya nga ng sabi ko hindi lahat ng masaya sa una eh mananatiling laging masaya.

Dumating ung time na halos hindi na kami masyado magkasama dahil may trabaho na kami pareho. At dahil sa hindi na nagsasakto ang mga time namin, text na lang ang tawag ang naging pmeans of communication namin.

Nung una inisip ko na kaya namin ang ganung set up. Pero ng tumagal hindi na talaga kami naging ok.
Nung nagka restday ako from work, inihatid ko siya sa office nila dahil panggabi siya. Medjo malapit na rin ako sa mga ka office mate niya kaya kahit paano nagkakabonding na kami.

May isa siyang ka officemate na biglang lumapit sakin. Sinabi niya na there is someone who is courting my gf. And that my gf allows him to do so.

Well of course I never confronted her, just for the respect. and beside hindi pa naman ako sigurado kung totoo nga yun. So i just ignored it.

Days after, mdjo may napapansin na ako na iba sa kanya. Kaya lang marami pa akong iniisip nun kaya hindi ko na lang binigyan ng pansin. Nang pumunta ako sa kanila, wala siya dun at sinabi sa kin na may pinuntahan lang at babalik din agad.

Lumapit sakin ung kapatid niyang lalake, at sinabi sakin na may ibang naghahatid sa ate niya pag umuuwi ito at may nababasa siyang text message na may "mwaaaa" sa dulo. Alam niyang hindi galing sakin un dahil di naman daw ako naglalagay ng ganun. Actually never nga talaga akong naglagay ng mga ganung message pag nagtetext ako sa kanya.

So sinabi ko na lang sa kapatid ng ex ko na baka friend lang niya un. Sabi niya, sana nga lang daw, dahil kung galing sa ibang lalake un, magagalit daw siya sa ate niya dahil niloloko ako nito.

Hindi ko na lang muna pinansin ang mga sinabing ito na kapatid niya. Hanggang sa isang araw habang magkasama kami sinabi na lang niya, gusto na niyang makipaghiwalay sakin dahil feeling niya hindi na siya nag Gogrow sa relationship namin.
Tinanaong ko kung bakit, pero di naman niya ako nabigyan ng magandang sagot. Wala akong nagawa noon, dahil ayoko nang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw na skin.

Masakit sa part ko dahil alam kong, binigay ko ang best ko to keep our relationship.

Ipaglaban ko man siya, pero how can you fight for someone who doesn't want you to do so.

Minsan tuloy gusto kong sabihin sa sarili ko, na ako ang sumira ng lahat.

Ako nga ba?

Posted by jbert 06:28 Comments (4)

(Entries 11 - 15 of 24) « Page 1 2 [3] 4 5 »