A Travellerspoint blog

Nakakatakot kaya!!!!!

-17 °C

minda.jpg

Lumalala na ang sigalot at kaguluhan na nagaganap ngayon sa Mindanao. Dahil sa hindi matapos tapos na issue hinggil sa teritoryo na pinaglalaban ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) walang ibang naaapektuhan kundi ang mga sibilyan na walang kinalaman. Mga batang naisakripisyo ang karapatan sa maayos na pamumuhay at mga daan daang pamilya na nawalan ng ikabubuhay dahil sa nagaganap na labanan sa pagitan ng estado at ng bandidong grupo.

Napakahirap isipin na kababayan mismo natin ang nagmimistulang mananakop sa sarili nating bayan.

Sinubukan kong basahin ang mga posted articles sa website ng MILF (www.luwaran.com) at patuloy ang kanilang paghingi ng higit na malawak na teritoryo upang maitatag ang isang Bangsamoro Republic. Subalit ang ganitong kahilingan ang naging dahilan ng nagaganap na digmaan ngayon sa Mindanao.

Napanood ko noong nakaraang araw sa balita na nilusob ng nasabing rebeldeng grupo ang ilang lugar sa Lanao Del Sur at Del Norte na nagiwan ng matinding takot sa mga residente nang naturang lugar. Ang ilan pa nga daw sa mga kamag-anakan nila ay tinangay ng mga rebelde at ang ilan ay tahasang pinagbabaril. Maging ang maliliit na paslit ay nadamay at ilan pa nga sa mga ito ay walang awa pinatay.

minda2.jpg

Ang higit na nakakatakot sa mga pangyayaring ito ay ang tilang lumalakas na pwersa ng MILF.

Patuloy ang gulo at nagbabadya ito na makarating hanggang sa mga Lungsod ng Metro manila at karatig na lugar.

Kailan nga ba matatapos ang gulong ito?

Kailangan pa bang maibuwis ang napakaraming buhay upang maatim ang kapayapaan?

Sino nga ba ang dapat na sisihin?- Ang rebeldeng grupo na humihingi ng karagdagang kapangyarihan? O ang gobyerno na sinasabing walang matibay na hakbang at plano upang tuldukan ang naturang suliranin?

Posted by jbert 06:38 Comments (0)

Baclaran tour

wow shopping ka reina?

-17 °C

baclaran3.jpg

Last Saturday August 16, 2008 nagkayayaan kami ng mga office mates ko na sina Xerxes and Reina mag punta ng baclaran. Syempre bagong shaod kami kaya feeling mayaman. heheheheh. Wala pa kami actually tulog nun kasi kagagaling lang namin sa shift namin nun since gy team kami ( magagaling kaya team namin.). Pagdating sa Baclaran una kaming nagtingin tingin ng mga short na halos katulad ng short na suot ka nun, actually halos pareho nga yun. ( Checkered na dark green). Wala naman kami magustuhan dun so lipat kami ibang stall.

Naku mataas na ang araw. Tyempo naman na may nakita kaming nagbebenta ng shades at take note pangmayaman ang style. Bumili kami sweldo eh. makinis kasi kami ayaw naming naaarawan. Si Xerxes nga actually parang ahente lang ng lupa, sa shades niyang bagong bili.

after namin bumili ng shades naghanap kami ng kumot na request ni ate ria (office mate din). Si reina ang pumili nun Winnie the pooh ung design.

Sale daw ang tshirt na binili namin. Two for Php150.00. Mga tipong paglaba ng 2 beses punit na. hehehe

At anu ito Reina? my photo shoot ka?

Paikot ikot kami sa paghahanap ni Reina Efson ng blouse na kasize niya. Mahal daw kasi panu ba naman additional 10 pesos for extra sizes. large ata binili niya eh. hehehe. Siguro mga 9 stalls ung pinuntahan namin para makabili lang si reina ng damit niya.

baclaran_4.jpg

Xerxes ikaw ba yang naka cap? hehehehe

Grabe pa makatawad itong si Efson na malapit na talagang matamaan sakin. May pwesto ata sila sa Divisoria kaya alam niya mga palusot ng mga tindero pag ayaw mamigay ng tawad.

may binili pa nga siyang pangmayaman daw na tsinelas. naghahanap pa nga siya ng flip flops na may swarovski. Makinis ka ha. Reina baka gusto mo kumain????? Gutom na ko oh.

Matapos namin galugarin ang buong Baclaran kumain kami sa Chowking at ang aga aga halo halo ang orders namin ni Reina. Xerxes may sakit ka kasi kay di ka nakakain ng halo halo. Dapat suutin ang pangmayaman na mga pinamili natin kung ayaw niyong matamaan.

Posted by jbert 06:18 Archived in Philippines Tagged shopping Comments (0)

Nakaka Stress

12.jpg

Nakakalungkot ang mga bagay bagay. Nastress ako sa balita ni Joeboy sakin na "CONFIRMED" ang katangahan ko. hahaha. Dahil jan tegi na talaga ito.

Naku matamaan talaga sila sakin. Lalakihan ko pa un. hahahaha.

Well kahit pano may natutunan ako dun ha.

Wag kumain ng PNR!!!!!!!!!!!!

Buti na lang mabait Supervisor namin at fyi lang sakin un.

Kaya Reina, Tegi na tayo

Mas machachallenge pa ko nito kasi may natutunan akong bago sa trabaho. Ang wag kumain ng task.

Posted by jbert 06:44 Comments (2)

BaDong - Ang paglalakbay

part 3

rotate.jpg

Nag- aatubiling tumayo si badong upang ipakilala ang kanyang sarili. Hindi na niya matatakasan ang ganitong klase ng eksena sa kanyang buhay.

Pagtayo.......

"Hello, guys Im Badong Fredericko Hagibis and I'm from Laguna. This is my first contact center experience so that is why I am really nervous. Anyway I hope you can give me some advise. Nice meeting you all."

Taray nose bleed......

Umupo si Badong matapos magsalita at halata ang pawis na umaagos sa kanyang mukha.

Exaggerated......

Lumipas ang ilang sandali at natapos ng lahat ang pagpapakilala.

Bago magsimula ng training ay niyaya ng kanilang trainer ang buong batch para mag TOUR sa account floor nila. Syempre excited ang lahat lalo na si Badong dahil ngayon lang niya makikita ang working area ng call center.

Lumabas sila sa sa training room at pumunta sa 16th floor kung saan sila maaassign after ng training. Habang nasa loob sila ng elevator, nagkakakwentuhan na ang buong team at talagang napapalagay na ang loob ni Badong sa kanyang bagong mga kaibigan.

Ng makarating sila sa 16th floor, namangha si Badong dahil sa ganda ng ayos ng mga station dito. At talaga naman di siya makapaniwala na magtatrabaho no siya doon.

Dahil sa pagka mangha ay di niya namalayan na naiwan na pala siya ng mga kasama niya. Agad naman siyang humabol.

Habang hinahabol niya ang kanyang mga kasama hindi niya napansin ang nakausling wire sa sahig na naging sanhi ng pagkakatalisod niya dito.

Eksena ang lolo.

Nagtinginan ang lahat dahil sa lakas ng pagkakasalagpak niya sa sahig.

Dama ni badong ang sakit ng katawan at ang panliliit sa hiya.

Lumapit sa kanya ang isang napakagandang binibini

"wow eksena!!!!!!!!!!!!!!!"

" Ahm Sir are you ok?"

Tumingin si Badong sa bababeng nakaharap sa kanya with a tantalizing eyes.

<<<<<< A B A N G A N >>>>>>>>>>>>>>

Posted by jbert 06:04 Archived in Philippines Tagged round_the_world Comments (0)

Si BaDong - Ang PAglalaKbaY

part 2

funny-comic-strips.jpg

Napatingin si badong sa kanyang mga sapatos at ng mapansin niyang hindi pala magkapareho ang kulay ng sintas niya. Hindi malaman ni badong ang gagawin niya kaya ganun na lamang ang panlalamig na kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Hanggang sa................

Aha!!!!!!!!!!! Isang magandang idea!!!!!!!!!!!!

"Fashion!!!!!!!!! tama ito ang gagamitin kong dahilan kapag may nagtanong kung bakit magkaiba ang kulay ng sintas ko"

Isang matalinong pagiisip Badong!!!!Nice Job.

Dumating na ang magiging trainer nila at bago magsimula, ay inihanda muna nito ang mga gagamitin. Mula sa bonggang bongga na projector hanggang sa makakapal at nakakahilong mga manuals.

Hindi mapalagay si badong sa kanyang kinauupuan dahil nararamdaman niyang hindi maganda ang mood ng kanyang tiyan. (OK KA BA TIYAN!!!). Hinayaan na lamang niya ito at nawala din ang masama niyang pakiramdam.

Tinitingnan niya ang ginagawa ng trainer nila hanggang sa........

" OK guys, Before anything else let me introduce myself to all of you. I'm Syesha and I will be your trainer for your Chor Account. We will be together for almost 1 month and I expect all of you to be good in the training. You are not allowed to speak any language aside from what we are using in this company, so you better make yourselves comfortable with it."

Namutla ng bonggang bongga si badong dahil wala siyang narinig na kahit anong tagalog na salita. Umaagos ang dugo mula sa nanlalaking butas ng ilong ni badong ( Exaggerated ).

"So before we begin I would like you to introduce yourself to the whole class. So let's begin with Bernardo Capilis"

Isang malaking lalakie and agad tumayo at ipinakilala ang kanyang sarili.

"hello guys my name is Bernardo Capilis and you can call me Bernie, I came from LCS nice meeting you guys."

"thank you Bernie, so next is Jerweng Urbano"

"Hi, I'm Jerweng Urbano and you can call me Jerjer for short, and I came from Converse."

" ahuh thank you jerjer, next will be Badong Fredericko Hagibis"

Nagmistulang pilantod na inutil si badong mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. tatayo na ba siya? Pano kung mawalan siya ng sasabihin? Nakakahiya!!!!

"Mr. Hagibis, please introduce yourself to your batch mate"

Ano ang gagawin ni badong?

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<A B A N G A N>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Posted by jbert 06:25 Archived in Philippines Tagged round_the_world Comments (0)

(Entries 16 - 20 of 24) « Page 1 2 3 [4] 5 »